Region 2 nakapagtala ng 20 bagong kaso ng COVID-19

Umabot sa 20 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Cagayan Valley Region kahapon.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, batay ito sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa 20 naitalang bagong kaso, 11 ang mula sa Isabela at 9 ang mula sa Cagayan.

Dalawa sa naitalang bagong kaso ay kapwa Overseas Filipino Workers na galing ng Saudi Arabia.

Mayroon ding apat na pasyente na umuwi ng Region 2 mula sa Metro Manila.

 

 

 

Read more...