Roosevelt Station ng LRT-1 isasara mula Sept. 5 hanggang Dec. 28

Isasara ng mahigit tatlong buwan ang Roosevelt Station ng LRT-1.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang temporary closure sa Roosevelt station ay magsisimula sa September 5 hanggang December 28, 2020.

Ito ay para bigyang-daan ang konstruksyon ng Common Station o Unified Grand Central Station (UGCS).

Ang Common Station ang magkukunekta sa LRT-1, MRT-3, at MRT-7.

Sa nasabing petsa, ang magiging last stop ng LRT-1 northbound ay ang Balintawak station.

Nakikipag-ugnayan ang LRMC sa DOTr at sa MMDA para sa Bus Augmentation Project nito na maaring makatulong sa mga commuter na gumagamit ng Roosevelt station.

 

 

Read more...