Mayor ng Ilagan City, Isabela positibo sa COVID-19; buong Ilagan isinailalim sa ECQ

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang buong Ilagan City sa lalawigan ng Isabela.

Batay sa Executive Order No. 54 na nilagdaan ni Ilagan City Mayor Josemarie Diaz, iiral ang ECQ hanggang sa August 12.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kasabay nito, kinumpirma ni Ilagan City Information Officer Paul Cabacungan na nagpositibo din sa COVID-19 si Mayor Diaz.

Aniya, isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ni Mayor Diaz, mula sa kanyang mga kapamilya, kasambahay at mga nakasalamuha nito sa City Hall ng Ilagan.

Maayos naman ang kondisyon ng alkalde at nakasailalim na sa isolation.

 

 

 

Read more...