Bakuna kontra COVID-19 maaring available na bago mag-Nobyembre ayon kay Trump

Sinabi ni US President Donald Trump na maaring bago ang US Presidential elections ay mayroon nang bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Trump na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng bakuna panlaban sa sakit.

Mayroon aniya ngayong maraming pag-aaral para makalikha ng bakuna.

Una nang naglaan ng malaking pondo ang administrasyon ni Trump para ipambili ng bakuna sa sandaling maging available na ito.

Ang US ang nangungunang bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 at pinakamarami din ang naitalang nasawi.

 

 

 

 

Read more...