“Pensioner Ko, Sagot Ko” Project ilulunsad ng PNP ngayong araw

Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng “Pensioner Ko, Sagot Ko” (PKSK) Project nito.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, magtatalaga ng isang aktibong PNP personnel para bantayan at imonitor ang kondisyon ng isang PNP retiree.

Bahagi ito ng Modified Nationwide Accounting Pensioners na ipatutupad ng PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS) ng PNP.

Sa PKSK Project, magkakaroon ng Buddy System sa pagitan ng isang Active PNP Personnel at isang PNP Pensioner.

Simula ngayong araw, hanggang sa August 14, 2020 asahan na ng mga PNP pensioner ang pagbisita sa kanilang bahay ng kanilang magiging buddy.

Pagkatapos ng inisyal na pagbisita, masusundan ito kada ikatlong buwan.

Pero mapapatuloy ang contact sa pagitan ng magka-buddy sa pamamagitan ng cellphone at iba pang platforms.

 

 

 

Read more...