4 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City; 65 anyos na pasyente ang pumanaw

Isang 65 anyos na lalaking pasyente ng COVID-19 ang pumanaw sa Baguio City.

Ayon sa Public Information Office ng Baguio, dahil sa dagdag na nasawi umabot na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa lungsod dahil sa sakit.

Nakapagtala naman ng apat na bagong kaso ng sakit, kaya umabot na sa 147 ang total number ng confirmed cases sa Baguio.

Ang apat na mga bagong kaso ay mula sa Irisan, Lower Balacbac, MRR Queen of Peace at San Luis.
Mayroon namang 69 na naka-recover sa sakit kaya 74 na lamang ang active cases sa lungsod.

 

 

 

 

Read more...