Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 181.67 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (August 7) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 181.87 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.64 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.05 meters habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.55 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.59 meters.

Samantala, nadagdagan ang water level ng Pantabangan at Caliraya dams habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga, San Roque dam at Magat dams.

Read more...