Ayon sa WHO, kabilang sa mga nasirang suplay ay mga PPE sets at iba pang mga gamit.
Sa datos ng WHO, mayroon ding limang ospital sa Beirut ang naapektuhan ng pagsabog.
Tatlo sa mga ospital ang wasak na wasak at non-functional na, habang dalawa pa ang aprtially damaged.
Dahil sa pagkasira ng limang ospital, 500 bed capacity ang nabawas sa Beirut.
Ayon sa WHO, mahigit 5,000 katao na ang naitalang sugatan sa pagsabog at mahigit 130 dito ang nasa ICU.
Nagpadala na ang WHO ng trauma at surgical supplies sa Beirut na kayang makatugon sa pangangailangan ng 2,000 mga pasyente.
MOST READ
LATEST STORIES