Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 92 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 16,965 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,393 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 930 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 198 dahilan para umabot na sa 10,642 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,162 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 1,971
– Talisay City – 807
– Minglanilla – 417
– Consolacion – 422
Mandaue City – 2,038
Lapu-Lapu City – 1,934
Negros Oriental – 111
Bohol – 102
Siquijor – 1