LPA, Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw

 

Uulanin ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa Low Pressure Area at Habagat.

Ang binabantayang LPA ng PAGASA ay huling namataan sa layong 325 kilometers north east ng Virac, Catanduanes o sa layong 520 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Dahil sa trough ng nasabing LPA, ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Central at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Habagat naman ang magdudulot din ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan sa MIMAROPA at Western Visayas.

Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa.

Sa susunod na dalawang araw o hanggang sa Linggo ay maaring makaranas pa rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa LPA at Habagat.

Habang pagdating ng Lunes ay bubuti na ang lagay ng panahon.

 

 

Read more...