Mayroong 34 na commercial flights ang naka-schedule na umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Biyernes (August 7).
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) mayroong 11 na airlines na may naka-schedule na commercial flights sa Terminal 1, 2 at 3 ng NAIA ngayong araw.
Narito ang mga airlines at ang kani-kanilang mga biyahe:
Ayon sa MIAA maaaring magkaroon pa ng pagbabago sa mga naka-schedule na flights kaya’t mabuting tumawag muna sa airline kung mayroong nakaschedule na biyahe ngayong araw.
Kanselado ang lahat ng domestic flights sa NAIA simula noong August 4 hanggang 18 dahil sa pag-iral ng MECQ sa NCR dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nh mga tinatamaan ng COVID-19 sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES