36 patay sa coal mine explosion sa Russia

 

36 minero kabilang ang limang rescuer ang nasawi makaraang masunog at matabunan ang mga ito ng buhay sa isang coal mine sa Russia.

Gumuho ang Vorkutaugol mine sa Komi region matapos maganap ang tatlong pagsabog sa loob ng minahan na dahilan upang ma-trap ang mga biktima.

Ayon sa mga otoridad, dalawang pagsabog ang unang naganap sa loob ng minahan sanhi ng tumagas na methane noong Huwebes, na ikinamatay ng apat na minero at ikina-ipit ng 26 pa sa ilalim ng lupa.

Habang tinatangkang sagipin ang mga na-trap na minero nitong Linggo, isa pang methane explosion ang naganap ang ikinamatay ng limang rescuers at isa pang minero na kasama ng mga ito.

Hanggang sa ngayon, nagpapatuloy ang sunog sa loob ng minahan sanhi ng methane leak.

Read more...