Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 2,407 na

Nadagdagan pa ng 60 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (August 6), 2,407 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

893 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,379 ang suspected cases.

44 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,428 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa 11 pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...