Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 878 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, August 6) pumalo na sa 878 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 381 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 42 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 455 na.

Read more...