Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 8,910

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (August 6, 3:00 PM) nakapagtala ng 624 na bagong kaso kaya pumalo na sa 8,910 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,780
Laguna – 3,485
Batangas – 1,299
Rizal – 1,892
Quezon – 454

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,600.

Nasa 2,983 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 200 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 526
Laguna – 995
Batangas – 507
Rizal – 735
Quezon – 220

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 12 kaya umabot na sa 327 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 63
Laguna – 75
Batangas – 53
Rizal – 119
Quezon – 17

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...