Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan na iwasan ang pangungumbida sa mga pulitiko sa mga graduation ceremonies.
Ito ay para maiwasan rin na magamit ng mga kandidato ang mahalagang okasyon para sa mga estudyante bilang isang oportunidad na maka-pangampanya sila.
Ayon naman kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro, ang graduation ay dapat manatiling simple pero makahulugan na hindi nangangailangang gawing engrande.
Nakasaad sa Department Order na inilabas noong February 15, ang mga Grade 10 students na makakatapos ng kanilang Junior High School ay dadalo lamang sa isang moving up completion ceremony at makatatanggap ng High School Certificate, sa halip na ang karaniwang graduation.
Ang mga makatatanggap naman ng diploma sa graduation ceremony ay ang mga Grade 12 students, mula sa parehong public at private schools.