‘Walang Kim Henares sa administrasyon ko’- Binay

 

Walang ‘Kim Henares sa administrasyon ko.’

Ito ang binitiwang pangako ni Vice President Jejomar Binay sa mga miyembro ng Filipino-Chinese Community na dumalo sa kanyang pagbisita sa Chinese General Hospital sa Maynila.

Pahayag ni Binay, walang dapat ikabahala ang mga negosyanteng dumalo sa naturang okasyon dahil sa loob ng trenta minutos, wala nang Kim Henares na nakaupo sa BIR.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na sabihin ni Binay ang naturang pangako na ilalaglag ang BIR Chief sakaling siya ang manalo sa nalalapit na eleksyon.

Una nang sinabi ito ng Pangalawang Pangulo sa kanyang paharap sa mga miyembro ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce ang Industry Inc. noong Feb 15.

Si Henares ay kilala sa paghabol sa mga malalaking negosyo at pagpapanagot sa mga ito sa oras na mapatunayang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Read more...