Dagdag na 2,700 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

Ngayong araw, August 6 mayroong karagdagan na mahigit 2,700 na mga umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 2,710 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 11,400 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 31 hanggang kahapon August 5.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na shorturl.at/dB158

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/3guYP7Q

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

Read more...