Sa pinakahuling datos, 18,956,633 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 260,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,973,317 matapos makapagtala ng mahigit 54,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala din ng mahigit 54,000 bagong kaso habang mahigit 56,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay pang-24 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan na ang datos ng Qatar.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,862,76
India – 1,963,239
Russia – 866,627
South Africa – 529,877
Mexico – 449,961
Peru – 439,890
Chile – 364,723
Spain – 352,847
Colombia – 345,714