Umabot na sa 24 ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Lebanon.
Ayon ito sa update mula kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.
Ayon kay Dulay, dalawa ang nasawi, 24 ang sugatan at mayroon pang 1 nawawalang Pinoy.
Karamihan sa mga nasugatang Pinoy ay pawang Household Service Workers.
Pawang minor injuries lang aniya ang tinamo ng mga nasugatang OFW maliban lamang sa isa na kritikal ang kondisyon.
Patuloy pa rin ang paghahanap sa isang nawawalang Filipino seafarer.
MOST READ
LATEST STORIES