Mga manlalaro ng NBA negatibo lahat sa COVID-19 sa ikatlong round ng test

Negatibo lahat sa COVID-19 ang mga manlalaro at staff ng NBA batay sa resulta ng ikatlong round ng test na ginawa ng liga.

Sa statement ng NBA, ito na ang ikatlong linggo ng test sa loob ng NBA campus sa Disney World.

Kabilang sa isinailalim sa test ang lahat ng 343 na manlalaro.

Ayon sa NBA, ginagawa linggu-linggo ang test at kung mayroong magpopositibo ay agad isasailalim sa isolation.

 

 

 

 

 

Read more...