Globe magpapatupad ng electronic billing hanggang Disyembre dahil sa pandemic ng COVID-19

Magpapatupad na ng electronic billing ang Globe telecom hanggang December 31 sa kanilang mga subscriber.

Ayon sa Globe, ngayong nagbalik ang pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at ilang lalawigan, at habang may pandemic pa ng COVID-19 mas ligtas ang kanilang mga subscriber maging ang mga messenger nila kung magpapatupad na lamang ng electronic billing.

Ayon sa Globe, lahat ng kanilang customers ay makatatanggap ng updated monthly billing statements sa pamamagitan ng digital channels.

“We understand the need of our customers for updated billing information and we strive to serve them as best as we can. In view of the challenges that we are all facing, we deemed it necessary to shift to electronic billing for the health and safety of our customers. This will also ensure the on-time delivery of their monthly billing statements while messengerial services are hampered by the current situation,” ayon kay Rizza Maniego-Eala, Globe Chief Finance Officer.

Sinabi ni Eala na lahat ng Globe postpaid customers, kabilang ang business at enterprise clients ay automatic na magsi-shift sa paperless billing.

Padadalhan sila ng text o email tungkol dito.

Pagtugon din ito ayon sa Globe sa guidelines ng National Telecommunications Commission (NTC).

 

 

 

 

Read more...