Antas ng tubig ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 181.87 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (August 6) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 181.97 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.05 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.13 meters habang bahagya ding nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.59 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.60 meters.
Samantala, nadagdagan ang water level ng Pantabangan at Magat dams habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga, San Roque dam at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.