LPA na binabantayan ng PAGASA lalabas ng bansa ngayong araw

Posibleng lumabas na ng bansa ngayong araw ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 435 kilometers West Southwest ng Puerto Princesa City.

Dahil sa trough ng naturang LPA, ang MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Mindanao at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa malap na papawiri na may isolated na pag-ulan.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasoksa loob ng bansa sa susunod na tatlong araw.

 

 

 

Read more...