Quezon, ilang lalawigan sa Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Quezon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:29 ng umaga ngayong Huwebes (Aug. 6), katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Quezon.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Dinalupihan at Orani sa Bataan; Olongapo, Subic at Castillejos sa Zambales; Hagonoy at Calumpit sa Bulacan at sa lalawigan ng PAGASA.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

 

 

 

 

 

Read more...