Mga nahuling lumabag sa safety measures sa Navotas City, nasa 308

Mahigit 300 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasunod ng muling pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (August 5), umabot sa kabuuang 308 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 293 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 15 katao naman ang lumabag sa curfew.

Read more...