COVID-19 cases sa Mandaluyong City, umabot na sa 1,757

Napaulat ang 35 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (August 5), 1,757 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 692 ang aktibong kaso.

402 ang itinuturing na probable cases habang 1,193 ang suspected cases kung saan 6,842 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 31 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 983 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Nanatili naman sa 82 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...