55 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19

Nadagdagan pa ng 33 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (August 5), 2,347 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

886 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,354 ang suspected cases.

55 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,384 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nanatili pa rin sa 11 ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...