Case rate policy ng PhilHealth, ipinabubuwag na ng komite sa Kamara

Pinabubuwag na ni House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor ang case rate policy ng Philippine Health Insurance Corp.

Sa pagdinig ng komite ni Defensor, sinabi nito na ang case rate policy ang ugat ng korapsyon sa loob ng state health insurer kung saan bilyong piso ang nawawala sa PhilHealth dahil lamang sa overpayment.

Paliwanag ng kongresista, prone sa korapsyon ang case rate policy na ipinapatupad ng PhilHealth dahil binabayaran ito nang buo at hindi base sa actual na ginastos ng isang pasyente.

Sa datos na hawak ng mambabatasa, nasa P700,000 bawat taon ang ibinabayad ng PhilHealth sa mga claims para sa pneumonia cases sa nakalipas na limang taon; P350,000 kada taon para sa acute gastroenteritis cases; at P3000 naman para sa UTI cases.

Kung magpatuloy ito, iginiit ni Defensor na maaring mahirapan si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales sa pagsawata sa problema ng korapsyon sa ahensya.

Read more...