Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:19 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Malakas na pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin din ang mararamdaman sa Victoria, Tarlac; Arayat, Pampanga; Meycauayan at Bulacan, Bulacan.

Uulanin din ang bahagi ng Rodriguez at Antipolo, Rizal; Castillejos, San Marcelino at Botolan sa Zambales.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...