Mga pulis, gagamitin ng gobyerno para sa contact tracing

Photo grab from PCOO Facebook video

Gagamitin na ng pamahalaan ang mga pulis para sa contact tracing sa mga taong nakasalumuha na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagamiting modelo ng pamahalaan ang estratihiya ni Tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung saan ginamit ang mga pulis bilang contact tracers.

Ayon kay Roque, nagpahayag na ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na tumulong para sa contact tracing.

Sa katunayan, nasa proseso na ngayon ng pagsasanay ang mga pulis para sa contact tracing.

Wala rin aniyang problema kung kukuha ang local government officials ng kani-kanilang contact tracers.

Read more...