Mga OFW sa Lebanon hinimok ng Malakanyang na umuwi na sa bansa

Hinihikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Lebanon na umuwi na ng bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ang pagsabog sa Beirut kung saan kabilang sa mga nasawi ang dalawang Filipino.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may nakahandang ayuda ang pamahalaan sa mga Filipino kung nanaisin na ng mga ito na umuwi ng bansa

May abiso na aniya ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation.

 

 

Read more...