2.7 percent na inflation rate naitala para sa buwan ng Hulyo

Radyo Inquirer Photo | Dona Dominguez

Bahagyang bumilis ang pagsipa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nagdaang buwan ng Hulyo.

Ayon sa Philippines Statistics Authority o PSA, nakapagtala ng 2.7 percent na headline inflation noong Hulyo.

Mas mataas kumpara sa 2.5 percent noong Hunyo.

Sinabi ng PSA na ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang pagtaaas ng presyo ng transportasyon.

Partikular sa nagtaas ang presyo ng pamasahe sa tricycle habang nasa kasagsagan ng pag-iral ng community quarantine ang bansa.

Tumaas din ang presyo ng Housing, Water, Electricity, at Gas.

 

Read more...