Pagsusuot ng face shield kapag sasakay ng pampublikong sasakyan mandatory na simula sa Aug. 15

Simula sa August 15 ay mandatory na ang pagsusuot ng face shield kapag sasakay sa pampublikong sasakyan.

Batay ito sa memorandum circular na inilabas ng Department of Transportation.

Ayon sa DOTr, maliban sa face masks, ang mga pasahero sa lahat ng public transportation ay dapat nakasuot din ng face shield.

Ipatutpuad ito sa lahat ng pampublikong sasakyan kasama na ang mga tren ng MRT at LRT.

 

 

Read more...