LTFRB Central at NCR offices, hindi muna tatanggap ng walk-in transactions

Pansamantalang ititigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng walk-in transactions.

Partikular ito sa mga tanggapan ng Central at National Capital Region.

Ito ay kasunod ng muling pagsailalim ng NCR sa modified enhanced community quarantine mula August 4 hanggang 18, 2020.

Magpapatupad din ang ahensya ng skeletal workforce at Work From Home (WFH) scheme.

Tuloy pa rin naman ang online transactions kung saan pwedeng gawin ang mga sumusunod:
1. Request for Special Permit;
2. Correction of Typographical Error;
3. Request for Confirmation of Unit/s;
4. Request for Franchise Verification;
5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;
6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status

Puntahan lamang ang link na ito para malaman ang buong proseso ng pag-file ang request: https://www.facebook.com/ltfrb.central.office/photos/p.2628434210731824/2628434210731824/?type=1

Mananatiling operational din ang Public Transportation Online Processing System (PTOPS) ng ahensya at puntahan na link na ito: https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en

Read more...