Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:05 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Batangas, Tarlac, at Pampanga.
Malakas na pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin din ang mararamdaman sa Masinloc, Candelaria sa Zambales; Norzagaray, Bulacan; Rodriguez, Rizal; Candelaria, Sariaya, Tayabas, Lucena at Pagbilao sa Quezon.
Uulanin din ang bahagi ng Cavite partikular ang Trece Martires, Naic, Indang, Maragondon, General Emilio Aguinaldo, Silang at Tagaytay.
Parehong panahon din ang iiral sa Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, Calamba, San Pablo at Rizal sa Laguna.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.