Libreng sakay ng DOTr sa health workers tuluy-tuloy; Liive location ng mga bus, maaaring malaman online

Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng libreng-sakay ng Department of Transportation para sa health workers at iba pang medical frontliners.

Ayon sa DOTr, nag-ooperate ang free bus service sa dalawang shift na mayroong 20 ruta sa Greater Manila Area.

Ang operasyon nito ay tuluy-tuloy sa loob ng 24 na oras.

Dahil dito, mas marami anilang frontliners ang maseserbisyuhan at matutulungan ng programa, lalong-lalo na’t muling isinailalim ang National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Sabi ng DOTr, naisagawa ang programa dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa tanggapan ng pangulo at iba’t iba pang ahensya ng pamahalaan.

Partner din anila ng gobyerno sa programa ang iba’t ibang bus companies.

Makikita rin online ang actual location ng mga bumibiyaheng bus sa ilalim ng DOTr Free Ride for Health Workers Program.

Dahil dito, malalaman ng mga frontliner kung may paparating na bus, at ang oras ng pagdating nito.

Sa kasalukuyan, mayroong 110 bus units sa kabuuang bilang na 150 buses ang nakabitan na ng GPS LOCATION TRACKER DEVICES at inaasahang madaragdagan pa ang bilang sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga ruta ay ang mga sumusunod:
Route 1: Meralco (Malanday) papuntang United Doctors Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line1_GPS

Route 2: Valenzuela Gateway Complex papuntang United Doctors Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line2_GPS

Route 3: SM City San Jose Del Monte papuntang Centris
https://bit.ly/DOTrHS_Line3_GPS

Route 4: SM Masinag papuntang The Medical
City Ortigas
https://bit.ly/DOTrHS_Line4_GPS

Route 5: Ortigas Hospital and Healthcare Center papunta Rizal Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line5_GPS

Route 6: MRT 3 Cubao papuntang Philippine General Hospital via MRT 3 Centris Station
https://bit.ly/DOTrHS_Line6_GPS

Route 7: Pasig City General Hospital papuntang Makati Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line7_GPS

Route 7a: Medical City Ortigas papuntang VRP Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line7a_GPS

Route 8: Starmall Alabang papuntang St. Luke’s Medical Center – BGC
https://bit.ly/DOTrHS_Line8_GPS

Route 9: Vista Mall Daang Hari papuntang United Doctors Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line9_GPS

Route 10: RITM papuntang Starmall Alabang
https://bit.ly/DOTrHS_Line10_GPS

Route 11: Starmall Alabang papuntang Manila Doctors Hospital
https://bit.ly/DOTrHS_Line11_GPS

Route 12: Dasmariñas Pala-Pala papuntang Manila Doctor’s Hospital
https://bit.ly/DOTrHS_Line12_GPS

Route 13: Starmall Alabang papuntang Sea Oil Imus Daang Hari/Aguinaldo
https://bit.ly/DOTrHS_Line13_GPS

Route 14: SM City Taytay papuntang St. Luke’s Medical Center – QC
https://bit.ly/DOTrHS_Line14_GPS

Route 15: SLEX Sucat Exit papuntang Philippine General Hospital
https://bit.ly/DOTrHS_Line15_GPS

Route 16: MRT-3 Cubao papuntang Philippine General Hospital
https://bit.ly/DOTrHS_Line16_GPS

Route 17: SM City San Jose Del Monte papuntang SM Fairview/ Commonwealth Hospital and Medical Center
https://bit.ly/DOTrHS_Line17_GPS

Route 18: LRT-1 Monumento papuntang Baclaran Market
https://bit.ly/DOTrHS_Line18_GPS

Route 19: First Cabuyao Hospital and Medical Center papuntang Starmall Alabang
https://bit.ly/DOTrHS_Line19_GPS

Route 20: SM City Masinag papuntang Lawton
https://bit.ly/DOTrHs_Line20_GPS

Bukod dito, maaari ring ma-navigate ang live location sa mobile at website ng Sakay.Ph sa link na ito: https://covid19.sakay.ph/. Habang available naman ang 20 routes ng libreng sakay sa Google Maps: https://bit.ly

Read more...