Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, matagal nang nagsasagawa ng ‘remote discussions’ ang Mababang Kapulungan.
Sa katunayan aniya ay marami na silang mga panukala ang naipasa sa pamamagitan ng online hearings.
Sabi ni Salceda, iminungkahi rin niya kay House Speaker Alan Peter Cayetano na talakayin na lamang ang stimulus bills nang isahang malaking package nang sa gayon ay matalakay ng pangkabuuhan at hindi paisa-isa.
Paliwanag nito, economic recovery ang layunin ng stimulus bilss kaya dapat ay umaayon ang bawat programa sa bawat isa.
Inaasahang sa susunod na dalawang linggo ay aprubado na ang mga stimulus package partikular ang Bayanihan 2.
Umaasa si Salceda na ang lalabas na resulta ng gross domestic products (GDP) bagamat doble ang ibababa ay magiging signal sa mga mambabatas at sa gobyerno para madaliin ang pagapruba sa mga panukala kaugnay sa COVID-19 reponse.