Kaso ng COVID-19 sa Navotas City mahigit 2,500 na

Umabot na sa 2,553 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Sa record ng City Health Office, 16 ang nadagdag sa mga kaso.

Sa datos ng City Government, sa nasabing bilang 1,462 ang aktibong kaso, 993 ang naka-recover na o gumaling habang 98 ang pumanaw.

Ang Barangay NBBS Kaunlaran ang mayroong pinakamaraming aktibong kaso na nasa 172.

Sumunod ang Barangay NBBS Dagdat-Dagatan na mayroong 135 active cases.

 

 

 

 

Read more...