13 nasawi sa pagbaha sa South Korea

Nasawi ang labingtatlong katao makaraang makaranas ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa South Korea.

Aabot naman sa 1,000 katao ang kinailangang ilikas ng mga otoridad.

Nagpawatag na ng emergency meeting si South Korean President Moon Jae-in.

Naapektuhan na rin ng pagbaha at nasira ang ilang tulay dahil sa pagtaas ng water level sa Han River.

Una nang iniulat ng Yonhap News na nagpakawala ng tubig sa dam ang North Korea nang walang inilalabas na abiso para makapaghanda ang Seoul.

 

 

 

Read more...