Sa pinakahuling datos, 18,440,689 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,862,174 matapos makapagtala ng mahigit 48,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 17,000 bagong kaso habang mahigit 50,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Mexico ay nasa pang-anim na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 matapos maungusan ang datos ng Peru.
Habang ang Colombia ay nakapasok sa nasa top 10 matapos ma maungusan ang bilang ng COVID-19 cases sa Iran at UK.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,751,665
India – 1,855,331
Russia – 856,264
South Africa – 516,862
Mexico – 443,813
Peru – 433,100
Chile – 361,493
Spain – 344,134
Colombia – 327,850