Operasyon ng tricycle, pedical, e-trike papayagan sa Maynila

Sa ilalim ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine, papayagan ang pagbiyahe ng mga tricycle, pedicab at e-trike sa Maynila.

Inanunsyo ito ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa alkalde, ito ay para may masakyan ang mga manggagawa, lalo na ang medical frontliners sa lungsod.

Sa dalawang linggong pag-iral muli ng MECQ magpapakalat ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Aabot sa 400 na tauhan ng MTBP ang magsisilbing COVID-19 marshals.

Sila ang sisita sa mga lalabag sa umiiral na quarantine protocols.

 

 

 

Read more...