Sen. Grace Poe nilinaw ang naunang pahayag hinggil sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani

marcos burial
Inquirer file photo

Nilinaw ni Presidential candidate Sen. Grace Poe na ang desisyon kung maaari o hindi maaaring bigyan ng hero’s burial si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay dapat alinsunod sa batas.

Ito ang tugon ni Poe matapos maiulat sa Inquirer na bukas ang senadora sa pagpayag na ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Poe, hindi nagbago ang kanyang pahayag na nararapat mabigyan ng tamang pagkakalibing si Marcos.

Ngunit itinanggi ng senadora na bukas siya sa pagpayag sa naturang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ipinunto ni Poe ang kanyang naging eksakto pahayag kung saan sinabi nito na dapat talagang malagay na sa maayos ang paglilibing si dating Pangulong Marcos.

Sinabi rin ni Poe na hindi lamang ang incumbent president ang magdedesisyon sa ganitong usapin.

Dapat aniyang gumawa ng specific request ang pamilya Marcos upang payagan nang mailibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Read more...