Nababahala na ang mga foreign minister mula sa sampung bansa ng Association of South East Asian Nations sa lumalalang tensyon sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Sa pagtatapos ng annual retreat ng ASEAN countries sa Lao capital ng Vientiane, ipinahayag ng sampung bansa ang kanilang pagkabahala sa naturang issue.
Binigyan halaga rin ng ASEAN community na mapanatili ang kapayapaan, seguridad at katatagan sa naturang lugar.
Kasabay nito, sisikapin ng ASEAN na makapagsagawa ng meeting kaugnay sa naturang isyu kasama ang China.
Nagsimulang tumindi ang tensyon sa mga pinag-aagawang isla matapos magdeploy ng China ng suface-to-air missiles at fighter jets sa Paracel chain island sa South China Sea.
Ipinanawagan naman ni Vietnam Foreign Minister Pham Binh Minh ang “non-militarization” sa South China Sea habang si Cambodia Foreign Minister Hor Namhong ang magpapatawag ng meeting kasama ang China.