San Jose, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 49 kilometers southwest ng bayan ng San Jose, alas-7:11 umaga ng Martes (August 4).

May lalim na 19 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa bayan ng San Jose bunsod ng naturang lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...