Antas ng tubig ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.04 meters alas-6:00 umaga ng Martes (August 4) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.18 meters.
Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.01 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 98.70 meters habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.63 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.71 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng San Roque, Pantabangan at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.