Ito ay kasunod ng spoof ng naturang gag show kay DJ Loonyo.
Pumalag ang fans ni DJ Loonyo sa eksena ng Bubble Gang Boys habang sumasayaw at ginagaya ang moves ni DJ Loonyo.
Pero sa halip na “DJ Loonyo” ay tinawag ito ng Bubble Gang na “DJ Uloolnyo”.
Subalit ang dahilan ng pag-trending ng “Bubble Gang” ay hindi dahil sa dami ng tweets ng mga galit na fans ni DJ Loonyo kundi sa dami ng tweets na nagtatanggol sa Gag Show.
Ayon sa Netizens, masyadong sensitibo ang fans ni DJ Loonyo.
20 taon na anilang ginagawa ng Bubble Gang ang ganitong klaseng pang-spoof at kung ayaw ito ng fans ni DJ Loonyo ay hindi na sila dapat manood.
Hindi rin anila maituturing na pambu-bully ang ‘parody’ na ginagawa ng Bubble Gang.