Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 16,600 na

Sumampa na sa mahigit 16,600 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 72 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 16,654 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,799 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 861 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 334 dahilan para umabot na sa 9,994 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,094 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 1,884
– Talisay City – 783
– Minglanilla – 410
– Consolacion – 410
Mandaue City – 1,997
Lapu-Lapu City – 1,884
Negros Oriental – 109
Bohol – 90
Siquijor – 1

Read more...