11 dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City

Nakapagtala ng labingisa pang dagdag na kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Dagdag ito sa tatlong bagong kaso na unang iniulat ng Baguio City Public Information Office kahapon.

Nangangahulugan na kahapon ay umabot sa 14 ang bagong nadagdag na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kabilang sa mga naitalang dagdag na kaso ang mga sumusunod:

– 22 anyos (lalaki) at 42-anyos (lalaki) mula sa Pinsao Pilot
– 51 anyos (lalaki) mula sa New Lucban Interior
– 32 year (lalaki) at 26 anyos (babae) mula sa Queen of Peace
– 35 anyos (lalaki) mula sa Loakan Proper
– 48 anyos (babae) mula sa Salud Mitra
– 25 anyos (babae) mula sa San Vicente
– 63 anyos (babae) mula sa St. Joseph
– 41 anyos (lalaki) na hindi pa tukoy ang address
– 37 anyos (lalaki) mula sa Guisad Central

 

 

Read more...