Mga kumpanya ng langis may rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ang presyo ng gasolina ay may bawas na 25 centavos kada litro, 30 centavos kada litro sa presyo ng diesel at 15 centavos sa presyo ng kerosene.

Epektibo alas 6:00 ngayong umaga ang bawas presyo ng mga kumpanyang Shell, SeaOil, Petron, Flying V, PTT, Phoenix Petroleum, Peetro Gazz, at Total.

Alas 12:01 naman ng madaling araw kanina nang ipatupad ng Chevron ang rollback.

Habang ang rollback ng kumpanyang Cleanfuel ay mamayang alas 8:01 ng umaga.

 

 

Read more...